Ayieeeeee! Sobrang GCeeeeee!
Yehey! At dahil first time kong magba-blog, ito, medyo nangangapa pa ako. Sorry naman.
Isang pamilyar na eksena sa loob ng classroom:
Teacher: Okay class, exchange papers with your seatmates.
(Medyo high school? Pero actually, nararanasan ko pa 'yan ngayong collge na ako. Take note, 3rd YEAR COLLEGE po.)
Magpapalitan ng papel ang buong klase. Madalas exchange with your seatmate lang, pero kung medyo maarte si ma'am, umi-exchange with your opposite row siya. Pero pag nuknukan naman talaga na maraming alam si ma'am, kuma-clockwise - counter clockwise siya. WITH BILANG PA. Pero hindi iyan ang main issue ko. So going back.
Habang nagchecheck ng papel, hindi natin naiiwasan na hanapin kung kanino napunta yung gawa natin. Kung todo bantay ka sa papel mo, TITIGNAN mo pa kung mukang CHECK BA OR "X" mark o may pagbilog na ginagawa ang checker, para naman alam mo kung tama o mali ang sagot mo sa bilang na 'yun. AT KUNG talaga namang hindi mo matiis, chinichika to the max mo na si checker at mega-tanong kung ano na ba ang kahihinatnan ng grades mo. Kung ikaw ba ay papasa o NGANGANGA.
Kung pamilyar ka sa eksenang ito o hindi naman kaya ay nagawa mo na ito...
IKAW AY ISANG CERTIFIED... AYIEEEEEE! SOBRANG GCeeeeee!
GC as in Grade Conscious. Actually, wala naman talagang eksaktong kahulugan ang GC. Pero kung pagbabasehan natin ang pagsasama ng dalawang salitang "grade" at "conscious", maaari nating sabihing ang mga taong GC ay ang mga taong may pagpapahalaga sa grades na nakukuha nila. Pero that doesn't mean na kung hindi ka GC, wapakels ka na sa grades mo.
Bago po kayo masaktan, maghinanakit, magreact, magalit...
Sabay-sabay natin itong pag-isipan. ANG PAGIGING GC ba ay mabuti o masama?
Well, well, well. Balon, balon, balon.
Para sa akin (at 'wag kayong nakikialam, gumawa kayo ng sarili niyong blog) ang pagiging GC ay parehong mabuti at masama. Sabihin na lang nating, depende sa DEGREE.
Unahin na natin ang good side. First of all, para sa akin, nakatutuwang malaman na ikaw ay GC. Dahil ibig sabihin lang nun may pakialam ka pa sa pinatutunguhan ng acads mo. Mas ikalulungkot ko kung ikaw ay hindi na GC, kundi BAHALA NA. WAPAKELS. I DON'T CARE. Kaya naman mabuhay ang mga GC na worried pa sa kanilang buhay-estudyante.
Ikalawa, ang grades ay nasusukat na basehan kung tayo ba ay may natutunan sa paaralan o wala. May mga nagsasabing, hindi naman sa grades natatapos ang lahat. Yes. Naniniwala po ako roon. Pero hindi natin pwedeng alisin sa eksena na talagang mahalaga ang ginagampanan ng grades sa pagtukoy ng performance ng isang estudyante sa paaralan. Ano bang point ko? Ang point ko lang naman WALANG MASAMA KUNG SOBRA ANG PAGPAPAHALAGA MO SA GRADES na nakukuha mo lalung-lalo na kung ito ay pinaghirapan mo at nakuha mo sa tamang paraan. Sabi nga nila, what you sow is what you reap. Napakasarap kaya sa pakiramdam na malamang nagbunga lahat ng pagpupuyat at pagpapagod mo para lang makakuha ng mataas na marka. Di ba?
Ang mahirap kasi sa mga estudyante ngayon, iba ang nagiging pagtingin sa mga kapwa nilang estudyanteng nakakakuha ng mataas na marka. Masakit mang isipin, sa aking karanasan, mas maraming negatibong kaakibat ang pagkakakuha ng mataas na marka. 'Pag mataas ang grades mo, ang tawag agad sa'yo ay GC.
EH KASALANAN BA NIYANG MATAAS ANG GRADE NIYA AT KAYO MABABA?
So kailangan kapag mababa kayo, mababa na rin siya? ANO, DAPAT PANTAY-PANTAY?
Kung pantay-pantay lang din sana ang effort ninyo eh mga iho at iha. KUMUKULO ANG DUGO KO. Haha
Minsan pa nga, kung sino pa ang mga galit sa GC sila talaga ang tunay na mga GC. Anong ibig sabihin ko? Kadalasan kasi ang mga nagbibigay ng label na GC ay ang mga estudyanteng bitter sa nakuha nilang grade. IN SHORT, mababa ang grade nila.
Yung mga estudyanteng nangongopya, CERTIFIED AYIEEEEEE! SOBRANG GCEEEEEE niyo rin.
Hindi naman kayo mangongopya kung wala lang sa inyo yung grades niyo di ba? Edi GC rin kayo. Kasi kung hindi kayo GC, kung ano lang alam niyo at kaya niyong sagutan, yun na yun! Pero dahil nangongpya kayo at takot kayong bumagsak o makakuha ng mababagong grades, GC kayo. GC pero sa maling paraan. Ito yung bad side ng pagiging GC. (Don't get me wrong. HINDI PO AKO NAGMAMALINIS. Opo nangopya at nagpakopya na po ako. Hindi rin po ako ang pinakamatalino sa amin. Bakit, masamang magbigay ng opinyon?)
Kaya nga sabi ko, depende sa degree. May mga GC kasi na sobra na. Sobrang makabantay sa grades ng iba. Sobrang mangopya. Sobrang sumipsip sa teacher. Sobrang...basta. SOBRANG GC! Sa sobrang GC, nakakairita na!
At dahil diyan tatapusin ko na ito. Ang gusto ko lang naman pong sabihin,GC ka man o hindi, basta estudyante ka, RESPONSIBBILIDAD mong pag-igihan ang pagiging estudyante mo. Sa kung papaanong paraan mo ito nakikita, gawin mo, kahit na ang pagiging GC pa ang paraan na ito. Lagi mo rin tandaan, na ikaw ay nag-aaral para sa sarili mo at hindi para sa ibang tao. Wala ka sa kumpetisyon. IKAW AY NASA PAARALAN, WALA SA KARERAHAN. LALONG WALA KA SA SUGALAN.
Gawin mo kung ano ang makakaya mo. At kung kaya mo, higitan mo ang makakaya mo. Linaw di ba?
Hindi mo kailangang magpanggap o magmagaling.
Sige na. Bye! Gawin mo na homeworks mo. Baka 'pag bumagsak ka, ako pa sisihin mo.
Mahal ka niya huwag kang mag-alala (huh? ano raw?)
Hahahaha. AYIEEEEEE, SOBRANG CHEESYYYYYY!
wtf hahaha nice one Roda! :))
TumugonBurahinThanks Marvin :)
BurahinHotels near Hollywood Casino & Racetrack - Mapyro
TumugonBurahinHotels near Hollywood Casino 김제 출장마사지 & 공주 출장마사지 Racetrack · Rantler. 4 Stars Resort & Casino 남양주 출장안마 · Wildhorse Casino & Racetrack · Harrah's Casino · Cajun Casino Resort · Holiday 안양 출장마사지 Inn Express Hotel 보령 출장안마