Mga Pahina

Martes, Agosto 27, 2013

Durog o Buo?

Noong bata pa ako (hindi pa naman ako ganun katanda) AKO ANG CERTIFIED UTUSAN sa aming bahay. Hindi ko alam kung dahil ba sa ako ang bunso, pero basta lahat na yata ng pwedeng ipabili sa akin ng nanay ko, nabili ko na. Mantika, patis, toyo, gawgaw, yelo, broth cubes, dahon ng laurel (na akala ko ipinangalan kay Jose P. Laurel) toothpaste, sabon, shampoo at kung anu-ano pa. Pati modess at whisper na sila naman ang gagamit, ako na rin ang bumibili. Pero ang pinakamahirap bilhin sa lahat ay ang paminta. Lalo na kung nakalimutan mo kung ano ang ipinapabili sa'yo, DUROG O BUO.


Minsan nga sa sobrang sipag kong bumili sa tindahan, pati kapitbahay namin, inuutusan na rin ako. ANO TO? ALIPIN NIYO AKO? 'Di bale na. Meron namang pabuya. Yung sukli sa akin na napupunta. There was one time, pinabili ako ng sigarilyo (na mura pa dati), dahil sa curious ako kung ano ang lasa. AYUN. Tinikman ko. TIKIM LANG NAMAN. Hindi naman din nakasindi. Yung sukli pinambibili ko ng chichirya. Yung may freebies sa loob. Minsan text ng Meteor Garden. Kung hindi chichirya, candy o bebelgem (bubble gum) ang binibili ko. It's either YAKEE o PINTOORA.

Teka, hindi ako nandito para ikwento ang mga binibili ko noong bata pa ako. Dahil nga beterano na ako sa pagbili ng kung anu-ano sa sari-sari store, iba't ibang uri ng tindera na rin ang nakasalamuha ko. May matanda, may bata. May babae, may lalaki. May maayos kausap, may mahirap kausap. Ito ang ginawa kong listahan ng iba't ibang uri ng mga tindero't-tindera.

1.) Accomodating - Ito ang klase ng tindera na nakangiti kapag nagbenta. Napakabait. Ganito dapat ang mga tindera sa Pilipinas.

2.) Sharon Cuneta in "Pasan Ko Ang Daigdig" - Sila ang mga tindera na nakabusangot at tila lahat na yata ng problema sa mundo ay nasa sa kanila na. Masusungit sila. Yung feeling na parang utang na loob mo pa yung pagbili sa tindahan nila.

3.) Pia Guanio - Sila ang mga klase ng tindera na ang pakay mo lang naman ay bumili ng kanilang mga paninda, pero ito sila, todo-chikka. CHIKKA-MINUTE! Lahat ng tsismis sa buong barangay alam niya. At dahil bumili ka sa kanila, nasagap mo ang chikka. Congratulations!

4.) Businessman - Sila ang mga tindera na sobrang busy. Sa sobrang busy nila, WALA SILA SA LOOB NG TINDAHAN. As in, walang tindera. Pero dahil gustong-gusto mong bumili sa kanila, at tinatamad ka nang lumipat ng tindahan, KATOK ka ng KATOK. Umaasang, lalabas si ateng tindera. Pero wala eh. Ang sakit umasa (-.-)

5.) Si Val na walang malay - Sila ang mga anak ng tinderang "businessman". Bata pa sila para sa pagbabantay sa tindahan. AS IN SOBRANG BATA. Yung iba nga hindi pa marunong magsalita. Magdadalawang isip ka kung bibili ka ba sa kanya. Dahil wala pa siyang muwang sa mundong ito. Malay ba niya kung ano ang whisper with wings.

6.) Si ate medyo binge - bumibili ka ng COKE ang binigay sa'yo ay HOPE. 

7.) Kulang pa ba? - Sila yung mga tindera na andami pang ginagawang mathematical computations. Bibili ka ng isang produktong worth 13 pesos. Nagbigay ka ng buong 50 pesos (as in papel). Tapos sasabihin sa'yo ni ate, may 3 pesos ka na lang? ATE. KULANG PA BA? Pero dahil Math ang involved, sige bigay na lang. Wapakels.

8.) Te, sure ka? - sila ang klase ng tindera na kapag binilhan mo, HINDI SILA FAMILIAR sa binibili mo. O mas maganda yatang hindi sila familiar sa binebenta nila. Kung ano at magkano. Minsan ganito ang eksena: "Toy, hindi ko alam presyo nito eh, magkano ba bili mo sa iba?" TE, SURE KA? Ako ba tindera?

9.) Hulog ka ng langit - sila naman ang mga klase ng tindera na bukod sa mabait, ay sobrang bait. Yung tipong kulang yung bayad mo ng PISO. Sasabihin nila sa'yo. Sige na, okay na. Piso lang naman eh. YEHEYYYY! 

at ang pinakahuli sa lahat...

10.) Waley dyGaga - "Ate may ganito kayo...?" WALA. "Ate may ganyan kayo...? WALA. "Ate, eh yung ganun, magkano yun?" Ay wala na eh. Ubos na.

ATE MAGSARA NA KAYO!

Tip: Kung nakalimutan mo kung ano ang ipinapabili sa'yo, kung pamitang durog ba o pamintang buo... ANG BILHIN MO AY ANG BUO. Kasi para yang love, MADALING DURUGIN ANG BUO. PERO MAHIRAP BUOHIN ANG DUROG.

Yung bibili ka na lang, luma-LAYBLAYP ka pa? NAKANA!

:)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento