MGA KWENTO NG PAGBANGON
Disclaimer: Sana ay 'wag niyong iisipin na ginagawa kong biro ang nangyari sa ating mga kababayan na nasalanta ng bagyo dahil alam kong hindi biro ang nangyari sa kanila. Pero gayunpaman, para sa mga taong hindi matutuwa sa blog na ito, o hindi naman kaya ay masaktan, ngayon pa lang ay humuhingi na ako ng dispensa.
Mga kakwentuhan! Nagbabalik akong muli.
Alam kong maraming mga hindi kanais-nais na mga pangyayari ang naganap sa ating bansa nitong mga nakaraang buwan at araw. Kaya naman ngayon, BIG WORD sa akin ang salitang PAGBANGON. Hindi lang dahil ito'y napapanahon pero dahil ako mismo, NAHIHIRAPAN sa paggawa nito.
Mga kwento ng pagbangon:
Ang pagbangon mula sa kama (wala pala akong kama). Ang pagbangon mula sa kama/kutson/folding bed/banig/sahig. Basta pagbangon mula sa pagkakatulog tuwing umaga.
Kinagabihan.
Ako: Ang pasok ko bukas ay 7:30 AM. So dapat 5:00 AM gising na ako given na mahirap ang tatahakin ko papunta sa aming unibersidad at MABAGAL AKONG KUMILOS.
Ganito ko i-set ang alarm ng aking cellphone.
Oh di ba? Punctual lang ang peg? Ayokong malate eh.
Kinabukasan...
Tumutunog na ang aking phone.
And I just killed my phone! (haha. pinatay ko yung alarm at natulog muli nang mahimbing)
Eh tumunog ulit...
And I just killed my phone again! zzzzzzzzz...
Ayan na naman siya...
Eh masarap talagang matulog eh.
Sh*t!!! Ano ba yung ingay na yun?
Conclusions:
1.) Hindi ko nasunod yung alarm.
2.) Naiirita na ako sa alarm!
3.) Natulog ulit ako!!
4.) Uhm... Ipagpatuloy ang kwento...
Edi natulog ulit ako ng mahimbing. SOBRANG HIMBING. ANG SARAP TALAGANG MATULOG NG MAHIMBING.
Hanggang sa ako'y nagising.
At dito papasok ang kwento ng PAGBANGON.
Yung gagawin mo nang mabilis ang lahat ng bagay. Pinapaniwala ang sarili na kaya mong habulin ang oras.
Eh ang solusyon lang naman talaga ay:
At kumilos ng normal. Gawin lahat ng bagay nang normal.
Ikalawang kwento ng pagbangon:
Ang pagbangon mula sa pagkakadapa.
Noong bata pa lamang tayo, palagi tayong nadadapa. Likas kasi sa mga bata ang kalikutan at pagiging makilos. Minsan ay hindi na natin nakokontrol ang ating mga sarili at nawawalan ng balanse. Minsan din naman, may natatapakan tayo, natatalisod sa kung anuman.
Kaya nadadapa tayo.
Pero alam natin na tuwing tayo ay madadapa, bukod sa pag-iyak, ang pwede mo lamang gawin ay ang BUMANGON. Bumangon habang umiiyak at tinatawag ang iyong nanay para ikaw ay tulungan.
Pero hindi mo namalayan na nakabangon ka nang mag-isa. Maya-maya. Papagpagan mo ang iyong mga kamay at damit para matanggal ang dumi na nakuha sa pagkakadapa.
Tapos tatayo at ipagpapatuloy ang ginagawa na para bagang walang nangyari.
Ganyan tayo noong bata, sana ganyan din tayo sa pagtanda.
Sa mga nangyayari sa ating bansa ngayon, lalung-lalo na sa naging pananalasa ng bagyong Yolanda kamakailan, napakaimportante ng salitang PAGBANGON.
Tulad nga sa unang kwento, alam natin na HINDI MADALI ANG BUMANGON.
Pero kaya kung kakayanin.
Pero tulad din ng nasa ikalawang kwento, sana ay hindi mawala sa atin ang kaisipan noong mga bata tayo. NA SA TUWING NADADAPA, kahit umiiyak, kaya nating bumangon at mamuhay muli na parang walang nangyari.
BANGON PILIPINAS!
Magsilbi sana tayong kamay na pantungkod ng mga kababayan nating gustong bumangon.